Under the Sun

Rants, rave, random thoughts

Pwede ka naman magpanggap na hindi ka malungkot. Mas madali kasing ipakita sa mga tao na masaya ka kaysa ipaliwanag sa kanila ang dahilan ng iyong kalungkutan. Pero minsan may mga pagkakataon na hindi mo na kaya. Hindi mo na kayang lokohin ang sarili mo, hindi mo na kayang magpanggap pa. Walang magawa kundi malunod sa sariling luha dulot ng kalungkutan.

Paminsan kahit ano pang sabihin ng mga kaibigan mo na layuan mo ang taong nde marunong magpahalaga sa iyo, nde mo magawa. Alam mo naman tama sila pero mismong puso mo ang ayaw tantanan ka. Hirap kang labanan ito dahil alam mo sya at sya pa rin ang sinigaw ng puso mo.